Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Chito Bersaluna ang isa sa mga napaslang na si Romeo Cala­guas Jr. alyas “Botong”, 52-an-yos, taga-Bocaue, Bulacan.
Miguel de Guzman
2 todas sa shootout, 6 pang ‘tulak’ timbog
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pu-sher ang napaslang habang anim pa ang nasakote sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa Bulacan kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Chito Bersaluna ang isa sa mga napaslang na si Romeo Cala­guas Jr. alyas “Botong”, 52-an-yos, taga-Bocaue, Bulacan.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Laurente Acquiout, acting chief ng San Rafael Police Station, alas-4 ng madaling araw nang makipag-deal si alyas “Botong” at dalawa nitong kasama. Gayunman, natunugan ng mga suspek na undercover agent ang kanilang ka-deal kaya agad nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout na ikinabulagta ng dalawa. Narekober dito ang limang sachet  ng shabu, isang cal.38 revolver na may limang bala, dalawang cartridge ng cal. 9mm, isang case ng cartridge, isang driver’s license at voter’s ID ni Calaguas.

Dakong alas-7:45 ng gabi kamakalawa nang masakote naman ang anim pang mga drug suspect sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit sa mga bayan ng Pandi, San Rafael at sa Malolos City. Sila ay kinila-lang sina Evangeline Doctor, 41; Reginald Lagman, 46; Warren Bunalade,32; Greg Herbert Franciso, 39; Elgie Gabonada, 23 at Eddie Agacer, 42. Nakumpiska sa kanila ang 16 sachet ng shabu, isang unit ng Yamaha Mio 3 na may plakang 4197 RU at buy-bust money. (Omar Padilla)

DEAD IN SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with