Tserman, mga kagawad inaresto!
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nagsiksikan sa presinto ang chairman ng barangay at buo niyang konseho matapos silang pag-aarestuhin ng pulisya kaugnay sa kasong isinampa sa kanila sa kamatayan ng isang totoy sa kanilang lugar kahapon.

Kinilala ni Maj. Eugenio Malillin, hepe ng Tumauini Police ang mga dinampot sa kani-kanilang mga bahay na sina Juanito Rapadas, 49, tserman ng Barangay Antagan 1st, mga kagawad na sina Marcial Macababbad, 38; Evelyn Simeon, 48; Maryglo Meriales, 42; Joseph Pascual, 43; Joel Forto, 44;  Enrique Forto, 58; Rosemarie Viterbo, 41, at Ronald Galicia, 51.

Ayon kay Malillin, inaresto ang mga opisyal matapos ipalabas ni Cabagan RTC Judge Felipe Jesus Torio II ang kanilang warrant of arrests sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. 

Ang kaso ay nag-ugat sa paniningil ng mga opisyal ng bayad sa mga residente at bisita na maliligo sa ilog sa kanilang teritoryo nang wala namang itinalagang lifeguard at anumang kagamitang pangkaligtasan. Dahil sa kawalan ng mga gamit at lifeguard, isang batang lalaki ang nalunod dito noong nakaraang Enero.

Ayon kay Malillin, ipinupukol ng mga magulang ng bata ang responsibilidad kay Rapadas at kanyang mga kagawad na tumayong tagapangasiwa ng ilog na animo’y ginawang resort.

ARRESTED FOR MURDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with