2 menor-de-edad nalunod
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang menor-de-edad ang nasawi kabilang ang isang 14-anyos na dalagitang hinabol ang bola sa sapa matapos na malunod sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cavite at Quezon kamakalawa.

 Sa ulat ni Police Lt. Col. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng Calabarzon Police, naging mitsa ng kamatayan ng dalagitang si Emma Jane Cristobal, ang paghabol nito sa bola na pang-volleyball matapos na mahulog ito sa sapa sa Talon ng Goyo, Sunshine Ville, Brgy. Cabuco, Trese Martires City, Cavite bandang alas-11:30 ng tanghali. Naglalaro ng volleyball ang biktima at mga kaibigan malapit sa sapa nang aksidenteng mahulog sa tubig ang bola kaya’t nagmamadaling bumaba ang biktima para kunin ito pero aksidente siyang nadulas at mahulog sa malalim na bahagi hanggang tangayin ng ma-lakas na agos. Nabigo siyang  masagip ng mga kalaro at naiahon ng nagrespondeng rescue team ang katawan nito kinalaunan.

 Samantala, patay din ang elementary pupil na si Aira Joy de Luna Valintin matapos malunod sa San Juan River sa Brgy. San Juan, Tiaong, Quezon  bandang alas-2:45 ng hapon matapos mapagawi sa malalim na bahagi ng ilog.

Nagawa pang maisugod ang bata sa Lying-in Medical Clinic pero idineklara na itong dead-on-arrival.

DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with