^

Probinsiya

Drug den sinalakay: 1 patay, 8 tiklo

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES CITY, Philippines — Isang drug suspek ang napatay habang walong katao ang naaresto matapos salakayin ng mga otoridad nitong Miyerkules ng gabi ang isang umanong drug den sa Brgy. Balibago, sa lungsod na ito.

Ang napatay na suspek na nanlaban umano ay kinilala lang sa alyas na “G-Brown”, habang ang walong inaresto ay sina Danilo Portit, 32; Crisanto Enriquez, 30; Larry Prado, 38; Grace Pabanil, 48; Mary Rose Miclat, 34; Wendy Velano, 25; Wilbon Ocampo; 45; at Benim Manansala, 27;

Nasamsam sa mga ito ang nasa humigit-kumulang sa 10 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P68,000, assorted drug paraphernalias, isang kalibre .38 baril at perang ginamit bilang marked money.

Nahaharap na ngayong sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek.

DRUG WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with