_ngayon
^

Tulak, 1 pa dedo sa engkwentro

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2019 - 12:00am

MALOLOS CITY  , Philippines  —  Patay ang isang umano’y tulak ng droga at isang karnaper matapos na makipagbarilan sa mga otoridad sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Sa bayan ng Pulilan, napatay sa buy-bust operation ang isang alyas “Christopher Cristobal” makaraang paputukan nito ang operatiba ng Drug Enforcement Unit dakong alas-10:25 ng gabi sa Brgy. Lumbac ng nasabing bayan.

Narekober sa suspek ang 13 plastic sachet ng shabu at isang cal .38 revolver. Napatay naman ng Sta. Maria Police ang isang ‘di pa kilalang lalaki na tumangay umano ng motorsiklo matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa Brgy. San Gabriel ng nasabing bayan dakong alas-2:20 ng madaling araw.

Nabawi sa suspek ang isang cal .38 revolver at ang kinarnap nitong MIO Soul sa biktimang si Isagani Rosillas, 58-anyos ng Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan.

CARNAPPING ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with