Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gregorio Simbulan Jr., 49, may-asawa, ng Barangay Rajal Norte ng bayang ito na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa lungsod ng Cabanatuan.
File Photo
Trader binaril sa ulo
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2019 - 12:00am

SANTA ROSA, Nueva Ecija, Philippines — Nasa kritikal na kalagayan ang isang 49-anyos na negosyante makaraang barilin sa ulo ng isang hindi nakilalang salarin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa kalsadang sakop ng Purok 2, Barangay San Pedro ng bayang ito kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gregorio Simbulan Jr., 49, may-asawa, ng Barangay Rajal Norte ng bayang ito na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa lungsod ng Cabanatuan.

Ayon sa pulisya, bandang alas-12:15 ng tang-hali noong Sabado nangyari ang pamamaril sa biktima habang pauwi ng kanyang bahay.

Sinundan umano ang biktima ng nag-iisang salarin na sakay ng isang kulay pula na walang plakang Honda Beat motorcycle. Pagdating umano sa nasabing lugar ay dalawang beses umanong pinaputukan ng suspek ang biktima at isang bala ang tumama sa kanyang ulo.

Agad tumakas ang suspek, na inilarawan na may taas na 5’6”-5’8”, nakasuot ng dark blue shirt at itim na sombrero, patungo sa Maharlika Highway.

GREGORIO SIMBULAN JR. SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with