Aussie, Pinay gf huli sa ‘damo’
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Ares­tado ang isang 42-an-yos na Austrian national at nobya nitong magtitilapia matapos umanong magbenta ng marijuana kasunod ng ikinasang buy-bust operation sa kanilang inuupahang apartment sa Brgy. Ugac Norte ng lungsod na ito kamakalawa. Kinilala ni Lt. Col. George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police ang nadakip na sina David Sigl at Leilani Bartolome, 20, na dinakma matapos magbenta ng isang bloke ng marijuana sa nagpanggap na adik. Nasamsam sa dalawa ang P8,000 buy-bust money at dalawang cellphone na ginamit sa drug trade. Ayon kay Cablarda, nasa drug watchlist ng PNP Directorate for Intelligence si Sigl na walang tinukoy na trabaho maliban sa pagtutulak ng droga. Victor Martin

PINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with