Van nag-dive sa bangin: 1 patay, 5 sugatan
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang Pilipinong driver habang sugatan ang lima niyang pasaherong turista na Chinese nationals matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang van sa Bokod, Benguet ayon sa ulat kahapon.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang driver ng van (AKA 6085) na si Jonathan Carnaje dahil sa matinding pinsalang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Baguio General Hospital and Medical Center sa Baguio City ang mga sugatan na sina Cheng Wei, 29; Yan Kaihua, 29,; Tao Wei, 28; Ji Zilin, 25 at Zhu Yazhou, 32 na pawang mga Chinese nationals.

Ayon sa ulat, Sabado ng gabi nang mangyari ang insidente matapos mahulog ang sinasakyang van ng mga biktima sa isang bangin na may lalim na 400 metro pagsapit sa bahagi ng Daclan sa nasabing bayan.

Galing umano ang mga biktima sa Mt. Pulag at patungo na sana sa Baguio City nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na naging dahilan para bumulusok ang van sa bangin.

CHINESE NATIONALS ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with