Sa ulat ng pulisya, wala nang saplot nang makita ang katawan ng biktima na kinila­lang si Rachel Manahan sa septic tank kasama ang sako ng may laman ding ilang bato na umano’y pampalubog nito sa tangke.
Kahera pinatay, isinako sa septic tank
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 32-anyos na babaeng cashier ang natagpuang patay sa septic tank habang nakasilid sa isang sako at pinaniniwalaang hinalay pa ng isang naarestong suspek kamakalawa ng hapon sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng pulisya, wala nang saplot nang makita ang katawan ng biktima na kinila­lang si Rachel Manahan sa septic tank kasama ang sako ng may laman ding ilang bato na umano’y pampalubog nito sa tangke.

Ang bangkay ng biktima ay naagnas na nang ma­diskubre ng kanyang mga kaanak sa septic tank sa isang compound sa District 3, Brgy. Puntod noong Sabado.

Naaresto naman at kinasuhan ang isang 42-anyos na lalaki na hindi pa matapos mahuling umaaligid sa lugar at umamin na umano sa krimen.

Lumalabas na Lunes pa noong nakaraang linggo ay hindi na nakauwi sa kanilang bahay ang biktima mula sa kanyang trabaho bilang kahera sa gasolinahan doon.

Dahil dito, araw-araw umanong hinanap ng mga magulang at kaanak ang biktima hanggang sa mapadako sila sa isang compound na kinaroroonan ng septic tank. Dito na natagpuan ang tila nabubulok nang bangkay ng biktima na mayroong malaking sugat sa ulo.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na nakuhanan ng CCTV ang pagsunggab ng suspek sa biktima habang nagmamaneho ng bisikleta.

Sa CCTV, makikitang nagbibisekleta ang biktima sa isang kalye sa lungsod pa­sado alas-11 ng gabi noong Lunes nang bigla siyang lapitan at sunggaban ng isang lalaki sa likuran hanggang sa mahulog sila sa kanal at saka siya pinagpapalo habang nakasubsob. Sumunod ay makikitang isinakay na ng suspek ang biktima sa bisekleta at tinangay.

CAGAYAN DE ORO CITY CRIME SCENE RACHEL MANAHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with