^

Probinsiya

Abogado patay sa ambush!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Abogado patay sa ambush!
Kinilala ni Guihulngan City Police Director Police Lt. Colonel Bonifacio Tecson ang nasawing biktima na si Atty. Anthony Trinidad, 54-anyos habang isinugod sa pagamutan sa Dumaguete City ang misis nitong si Novie Marie, 53.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang abogado ang agad nasawi habang nasa kritikal na kondisyon ang misis nito makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental kahapon ng hapon.

Kinilala ni Guihulngan City Police Director Police Lt. Colonel Bonifacio Tecson ang nasawing biktima na si Atty. Anthony Trinidad, 54-anyos habang isinugod  sa pagamutan sa Dumaguete City ang misis nitong si Novie Marie, 53.

Sinabi ni Tecson na kasalukuyang lulan ng SUV ang mag-asawa galing sa paglilitis ng korte sa La Libertad nang tambangan at pagbabarilin sila ng dalawang magkaangkas na suspek pagsapit sa Sitio Look, Brgy. Poblacion pasado alas-3 ng hapon.

Pinaniniwalaang natiktikan ng mga suspek ang abogado mula sa bahay nito sa San Carlos City at nang makatiyempo ay pinagbabaril sa Brgy. Poblacion, Guihulngan.

Kabilang sa sinisilip na anggulo sa krimen ay may kinalaman sa trabaho ng biktima at posibleng sa communist insurgency sa Negros Oriental.

vuukle comment

ANTHONY TRINIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with