^

Probinsiya

Birthday girl ni-rape ng 3 bisita

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong mga suspek na halinhinang gumahasa umano sa isang 15-anyos na dalagita sa mismong araw ng kanyang kaarawan sa isang isla sa Palawan, iniulat kahapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Jaime Manaa Bonghanoy Jr., 18, Kyle Padong, 18, at Ronald Andales, 22, pawang mga taga-Puerto Princesa, Palawan. Sa ulat, nangyari umano ang panggagahasa sa isang beach resort sa nasabing isla kung saan kasama sa mga dumalo sa kaarawan ng biktima ay ang tatlong suspek.

Nasa kalagitnaan ng kasiyahan at pag-iinuman ay nakaramdam umano ng pagkahilo ang biktima kaya saglit siyang tumungo sa bahay ng tatlo para sandaling magpahinga.

Ayon sa isang kaibigan ng dalagita, sinamantala umano ng tatlo na gapangin at halayin ang biktima habang natutulog. Nang makaraos, iniwan ng mga suspek ang biktima kaya tinulungan na ng kaibigan na makauwi sa kanilang bahay.

Isinumbong ng biktima sa kanyang ina ang panghahalay na agad humingi ng tulong sa pulisya sanhi upang maaresto ang mga suspek.

vuukle comment

BIRTHDAY GIRL RAPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with