^

Probinsiya

Guro itinumba sa klasrum!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Guro itinumba sa klasrum!
Kinilala ni Police Re­gional Office (PRO)-9 Spokesperson Police Major Helen Galvez ang nasawing biktima na si Narcisa Gumibao Caay, 58-anyos, may asawa, class adviser ng Grade 6 ng Balongating National High School at residente sa nasabing barangay.
Yani Azenith Albiso/facebook

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang babaeng guro matapos na pagbabarilin ng da­lawang maskaradong lalaki sa loob mismo ng klasrum ng pinapasukang mataas na paaralan sa Brgy. Balongating, Guipos, Zamboanga del Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Re­gional Office (PRO)-9 Spokesperson Police Major Helen Galvez ang nasawing biktima na si Narcisa Gumibao Caay, 58-anyos, may asawa, class adviser ng Grade 6 ng Balongating National High School at residente sa nasabing barangay.

Siya ay nagtamo ng tatlong tama ng bala ng cal. 45  sa katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.

Sa imbestigasyon, alas-7 ng umaga habang abala sa pagtuturo ang biktima sa mga estudyante nang biglang sumulpot ang dalawang salarin na nakasuot ng jacket, naka-half mask helmet at sunglasses. Armado ng cal. 45 pistol, agad na pinagbabaril ng dalawang suspek ang guro na duguang bumulagta sa harapan ng nagulantang nitong mga estudyante na na-trauma sa pangyayari.

Matapos ang pamamaril, mabilis na nagsitakas ang mga suspek lulan ng kulay asul na Skygo motorcycle patungo sa direksyon ng hilagang bahagi ng Brgy. Balongating.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo ng krimen at matukoy ang mga nasa likod nito.

vuukle comment

NARCISA GUMIBAO CAAY

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with