^

Probinsiya

Tserman, escort utas sa ambush

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Tserman, escort utas sa ambush
Sa imbestigasyon, pasado alas-9:00 ng umaga, pasakay na ang mga biktima sa kanilang motorsiklo pagkatapos kumain sa Otso Kainan restaurant sa may highway ng Poblacion 8 nang biglang dumating ang apat na salarin sakay ng dalawang motorsiklo at walang habas silang pinaulanan ng bala ng hindi pa matukoy na baril.

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Patay ang isang barangay captain at escort nito habang sugatan ang misis ng opisyal nang tambangan at pagbabarilin sila ng apat na salarin sa bahagi ng Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Midsayap chief of police Lt. Col. Benito Rotia Jr., kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang mga nasawing sina Alcon Guiabar Tubasan, 44-anyos, tserman ng Brgy. Tumbras, Midsayap at escort nitong si Samanodin Bacar Inok, 26, habang sugatan ang asawa ng una na si Armia Bacar Tubasan, 39-anyos.

Sa imbestigasyon, pasado alas-9:00 ng umaga, pasakay na ang mga biktima sa kanilang motorsiklo pagkatapos kumain sa Otso Kainan restaurant sa may highway ng Poblacion 8 nang biglang dumating ang apat na salarin sakay ng dalawang motorsiklo at walang habas silang pinaulanan ng bala ng hindi pa matukoy na baril.

Isa ang rido o clan war sa mga anggulong sinusundan ng pulisya sa krimen.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with