^

Probinsiya

Pinoy tourist na missing sa Thailand, natagpuan na

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Pinoy tourist na missing  sa Thailand, natagpuan na
Kahapon, natagpuan umano ng isang mangi­ngisida ang bangkay ni Angelo Bien Rafael Cortez habang nakalutang sa baybayin ng Krabi province.
Sunny Historican/facebook

MANILA, Philippines — Natagpuan na ang katawan ng isa pang Pilipinong turista sa Thailand na taga-Cotabato City matapos ang halos isang linggong paghahanap ng Thai authorities.

Kahapon, natagpuan umano ng isang mangi­ngisida ang bangkay ni Angelo Bien Rafael Cortez habang nakalutang sa baybayin ng Krabi province.

Agad na dinala ang bangkay ni Cortez sa Vajira Phuket Hospital para sa post mortem examination at proper identification.

Magugunita na unang natagpuan ang bangkay ng kasamahan ni Cortez na si Noah Ibay noong Biyernes.

Sa report ng Thai Police, apat mula sa 13 turistang Pinoy na nagmula sa Cotabato City ang nawala noong Hulyo 17 sa Freedom Beach. Agad namang natagpuan at nasagip ang dalawa na sina John Tanghal, 30, at Jose Tanghal, 51, habang sina Cortez at Ibay ay tuluyang tinangay ng malalaking alon.

Inaasikaso na ang pagpapauwi sa Pilipinas sa mga labi ng dalawang Pinoy mula Phuket, Thailand. 

vuukle comment

PINOY TOURIST MISSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with