^

Probinsiya

Lady trader kinatay ng magsasaka

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang negosyanteng babae ang kinatay ng isang magsasaka matapos ang mainitang pagtatalo sa mga pananim sa pag-aaring lupain ng una sa Brgy. Villa Suidiacal, Liloy, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Zaida Lubiano, 51-anyos, biyuda, na dead-on-arrival sa Liloy Integrated Health District Hospital dahil sa mga tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg, kaliwang tadyang at kanang dibdib.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Jocel Tachado, 37, at residente sa lugar.

Sa ulat, bandang alas-6:40 ng gabi habang naglalakad ang ginang at suspek sa lugar nang magkaroon sila ng pagtatalo hinggil sa pag-aani ng mga pananim sa lupain. Bigla na lamang bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima hanggang sa duguang humandusay sa lupa.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang ginang pero hindi na uma­bot ng buhay. Samantala, mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen pero sumuko rin sa pulisya makaraan ang ilang oras.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with