Kinilala ni Police Lt. Col. Rossel Encarnacion, hepe ng San Juan Police, ang mga nasawi na sina Pastor Joel Ramos, 47-anyos at inaanak niyang si Jose Almarez, 43.
Mag-ninong patay sa water tank!
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay na nang madatnan sa loob ng nililinisan nilang water tank ang isang mister at kanyang inaanak matapos na umano’y ma-suffocate at hinihinalang nakalanghap ng kemikal sa San Juan, Batangas kamakalawa.

Kinilala ni Police Lt. Col. Rossel Encarnacion, hepe ng San Juan Police, ang mga nasawi na sina Pastor Joel Ramos, 47-anyos at inaanak niyang si Jose Almarez, 43.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumasok sa loob ng tangke ng tubig ang mag-ninong dakong alas-8 ng umaga noong Sabado para linisin at pinturahan ang loob nito. Gayunman, hindi na nakalabas ang dalawa mula sa loob ng tangke.

Ayon sa pulisya, posibleng suffocation ang ikinamatay ng dalawa dahil  wala umano silang gamit na mask nang pumasok sa loob ng tangke. Bukod dito, maliit din lang umano ang butas sa loob habang nililinis ng dalawa ang kalawang ng water tank gamit ang kemikal bago sila magpintura.

Tinataya na nasa 10-12 talampakan ang lalim ng tangke ng tubig na pagmamay-ari ng barangay.

JOSE ALMAREZ PASTOR JOEL RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with