Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Arwin Mercado samantalang tumakas ang suspek na si Mark Joseph Ayala, 19, binata.
AFP
Pacquiao-Thurman fight pinagtalunan: 1 utas
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

CANDELARIA, QUEZON, Philippines — Nagkabutas-butas ang ulo at namatay noon din ang isang 26-anyos na binata makaraang pagbabarilin ng kainumang kapitbahay matapos ang kanilang pagtatalo sa bisperas ng laban sa boksing nina Senador Manny Pacquiao at American boxer Keith Thurman sa Sitio Bro­thers and Sisters, Barangay Pahinga Norte, ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Arwin Mercado samantalang tumakas ang suspek na si Mark Joseph Ayala, 19, binata.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:00 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima at suspek sa iba pa nilang kapitbahay subalit nang kapwa malasing ay pinagtalunan nila ang boxing bout nina Pacquiao at Thurman.

Sa gitna ng diskusyon, bumunot sa beywang ng hindi pa matukoy na baril ang suspek saka pinaulanan ng punglo sa ulo at mukha ang biktima.

Nang duguang bumulagta ang biktima, tumakas ang suspek na tinutugis na ng mga awtoridad.

PACQUIAO-THURMAN FIGHT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with