Kinilala ng Talugtug Police ang napatay na lady trader na si Sonia Dasalla, hiwalay sa asawa, magsasaka ng Brgy. Baloy, Cuyapo, Nueva Ecija. Nilalapatan naman ng lunas sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Medical Center sa Cabanatuan City ang drayber nitong si Fernando dela Rosa Jr., 68, ng Brgy. Magsaysay, Talugtug, NE.
Edd Gumban
60-anyos lady trader todas, driver kritikal sa holdap
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Patay ang isang 60-anyos na babaeng negosyante habang malubhang nasugatan ang kasama nitong 68-anyos na driver nang pagbabarilin sila ng dalawang hinihinalang holdaper na magkaangkas sa motorsiklo at tinangay ang dala nilang pera na kakakuha lang sa isang kooperatiba sa Brgy. Saverona, Talugtug, lalawigang ito, noong Sabado ng umaga.

Kinilala ng Talugtug Police ang napatay na lady trader na si Sonia Dasalla, hiwalay sa asawa, magsasaka ng Brgy. Baloy, Cuyapo, Nueva Ecija. Nilalapatan naman ng lunas sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Medical Center sa Cabanatuan City ang drayber nitong si Fernando dela Rosa Jr., 68, ng Brgy. Magsaysay, Talugtug, NE.

Ayon sa pulisya, galing ang dalawang biktima sa opisina ng Sacred Heart Cooperative sa lungsod ng Muñoz, sakay ng kulay gray na Nissan pickup (CMZ-648) nang pagdating umano sa kahabaan ng Talugtug-Muñoz Road, bandang alas-11:20 ng umaga ay nakaabang na umano sa kanila ang dalawang suspek na lulan ng isang kulay itim na motorsiklong Yamaha Mio na walang plaka saka sila pinagbabaril.

Tinamaan ng bala sa katawan si Dasalla na kanyang agad na ikinamatay habang sa gawing tiyan naman tinamaan si dela Rosa na unang dinala sa pinakamalapit na pagamutan bago nailipat sa nasabing ospital. Matapos ang pamamaril, tinangay ng mga suspek ang perang dala ng mga biktima na di pa batid ang halaga na ni-loan pa umano ni Dasalla sa nasabing kooperatiba.

NUEVA ECIJA CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with