Kinilala ang mga suspek na sina Roberto San Diego, 52-anyos, construction worker; ang kinakasama nitong si Elisa Casuga, 48; kapwa nasa drug watchlist ng pulisya at ang anak ni Elisa na si Jerome, 19, isa ring construction worker; pawang residente ng Burol Brgy. Molino 1, Bacoor City.
File Photo
Magdyowa, anak dakma sa droga
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang mister, kanyang live-in partner at anak ng kinakasama nito, sa pagtutulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Molino 1, Bacoor City kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Roberto San Diego, 52-anyos, construction worker;  ang kinakasama nitong si Elisa Casuga, 48; kapwa nasa drug watchlist ng pulisya at ang anak ni Elisa na si Jerome, 19, isa ring construction worker; pawang residente ng Burol Brgy. Molino 1, Bacoor City.

Ayon kay Col. Vic Cabatingan, hepe ng Bacoor Police,  isang drug bust ang kanilang inilatag laban sa magdyowang suspek hinggil sa patuloy na pagtutulak ng droga. Kasama ang grupo ng  City Drug Enforcement Team at Intel operatives, ikinasa ang buy-bust ganap na alas-3:30 ng madaling araw sa nasabing lugar.

Nang magkaabutan ng droga at buy-bust money, dinakma ng mga pulis ang mga suspek at nakuha sa kanila ang may 1.75 gramo ng shabu na nasa P20,000 ang halaga. Nakuhanan din ang mga suspek ng mga drug paraphernalia at drug money.

ARRESTED FOR DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with