Dalaga dumalaw sa bf na nakapiit, tiklo sa ‘damo’
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kalaboso ang bagsak ng isang 21-anyos na dalaga matapos matiklo sa tangkang pagpasok ng marijuana para sa nakakulong niyang nobyo sa District Jail sa  Brgy. Cataggaman Pardo, ng lungsod kamakalawa.

Kinilala ni Lt. Colonel George Cablarda ang arestado na si Erika Joy Malillin, taga-Brgy. Ugac Norte. Lumalabas na nadiskubre ng mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa papel at nakasuksok sa side pocket ng backpack na ibibigay sana ni Malillin sa nobyong si alias “Brulio” na nakapiit sa kasong pagtutulak.

Sa ngayon, kapwa nakasadlak sa piitan ang magsing-irog sa hiwalay nga lang na selda.

ARRESTED FOR DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with