2 kidnaper utas sa shootout!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

Mag-asawang trader na-rescue

RIZAL  , Philippines  —   Napatay ng mga pulis ang dalawang lalaking kapwa hinihinalang kidnapper sa isang engkuwentro habang nailigtas ang mag-asawang negosyante na sinasabing unang kinidnap ng mga suspek sa Antipolo City kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng Antipolo City Police ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek na itinuturong kabilang sa apat na lalaki na dumukot sa mga biktimang sina Henry Alfonso, 52, at misis niyang si Florida, 55, kapwa residente ng Lot 415, Block 4, Sta. Cecilia, Mission Hills Subd., Brgy. San Roque, Antipolo City.

Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang pulisya na may mga indibiduwal na dinukot ng apat na armadong lalaki dakong alas-11:45 ng gabi noong Biyernes sa La Veranda, Sumulong Highway, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City. Sakay umano ang mga biktima ng isang silver na Honda CRV na may plakang NBC-2943 at patungong Antipolo City Proper nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang silang harangin ng mga suspek na armado ng ‘di batid na kalibre ng mga armas. Sapilitang isinakay ng mga suspek ang mga biktima sa kanilang kulay gray at puting van at saka humarurot patungong area ng Baras, Rizal.

Dahil dito, mabilis na naglatag ng checkpoint ang pinagsanib na puwersa ng Antipolo City Police, PNP-Anti-Kidnapping Group at Highway Patrol Group sa Brgy. Inarawan, Antipolo City at pagsapit ng alas-3:15 ng madaling araw ay namataan ang sasakyan ng mga suspek kaya’t pinara ito. Gayunman, kaagad umanong pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis habang tumatakas kaya napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa sa mga suspek, ngunit nakatakas ang dalawang iba pa.

Nasagip naman ang mag-asawa na nasa maayos nang kalagayan matapos na iwanan ng mga suspek sa kanilang van. 

KIDNAPPING SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with