^

Probinsiya

2 supplier ng Maute-ISIS sumuko

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 supplier ng Maute-ISIS sumuko

MANILA, Philippines — Sumuko sa mga sun­dalo ang dalawang armadong supporter ng Maute-ISIS inspired group sa Brgy. Matitikop, Tubaran, Lanao del Sur.

Sinabi ni 103rd Infantry Brigade Commander Brigadier Ge­neral Romeo Brawner, Jr. ng Philippine Army, isinuko rin ng dalawa na ‘di pinangalanan sa 55th Infantry Battalion ang dalawang cal. 45 pistol at mga bala.

Ayon sa dalawang sumuko, sila umano ang nagbibigay ng supply sa grupo sa napatay ng lider ng Maute Group na si Owayda Marohombsar alyas Abu Dar.

Si Abu Dar at tatlo nitong kasamahan ang napatay ng militar sa mainit na bakbakan sa Brgy. Dinaigan, Tubaran, Lanao del Sur.

Ayon pa kay Brawner, malaki ang naitulong ni Tubaran Mayor Khaledyassin Papandayan sa pagsuko ng mga suporter ng Maute-ISIS Group bilang pakikiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo.

vuukle comment

MAUTE-ISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with