^

Probinsiya

Bar ni-raid ng CIDG: 9 bebot nailigtas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na kababaihan na nagmula sa iba’t ibang lugar sa Antipolo City, Rizal ang nasagip ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isi­nagawang rescue operation sa ilalim ng “Oplan Nena” sa isang karaoke bar sa Brgy. San Vicente, Virac, Ca­tanduanes nitong Sabado ng madaling araw.

Arestado naman sa operasyon ang umano’y mga “bugaw” na sina Jomar Gueta, 28-anyos, cashier ng Bato, Catanduanes at Sherlyn Mae Canlas, 23 ng Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal na kapwa nahaharap sa kasong human trafficking.

 Bandang alas-12:20 ng madaling araw, ayon kay PNP-CIDG Director Police Major General Amador Corpus ng masagip ang mga biktima sa operasyon sa Fantasia Karaoke Bar sa nasabing lugar.

 Ang mga biktima ay puwersahan umanong pinagtratrabaho bilang mga guest relation officer (GRO) sa nasabing bar na nagti-table ng mga kostumer at minsan ay inilalabas din sila para sa sex service.

 Nasakote ang mga suspek sa aktong tinatanggap ang marked money mula sa undercover agent ng PNP-CIDG. 

vuukle comment

SEX SERVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with