^

Probinsiya

Obrero todas sa sobrang kalasingan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Obrero   todas sa  sobrang kalasingan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Dahil sa labis na kalasingan, namatay ang isang 44-anyos na obrero matapos ang magdamag na pakikipaglaklakan nito sa pagdaraos ng may kaarawan sa Brgy. Centro North West, Solana, Cagayan kamakalawa.

Sa report ng pulis­ya, natagpuan na lamang ng mga barangay tanod si Mariano Mabborang na wala nang buhay na nakahilata sa bangko sa labas ng bahay ni Anjenet Datul dakong alas-7:00 ng umaga.

Ayon sa mga kaa­nak, sinasabing mayroong iniindang sakit na alta presyon si Mabborang na pinaniniwa­laang ito ang sanhi kung bakit natigok nang wala sa oras.

Dinala na lamang sa punerarya ang mga labi ng biktima para sa post mortem examination ng mga awtoridad.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with