^

Probinsiya

Ambush: 4 pulis dedo sa NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi ang apat na alagad ng batas matapos silang ratratin ng isang grupo na miyembro umano ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Mabato, Ayungon, Negros Oriental nitong Huwebes ng hapon.

Gayunman, pansa­man­­talang hindi muna tinukoy ang mga pangalan ng mga biktima dahilan kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.

Sa inisyal na ulat ng Negros Oriental Police, dakong alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang insi­dente sa kahabaan ng highway ng Sitio Yamot sa naturang barangay.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng kulay puting Badja motorcycle, isang kulay itim na Badja motorcycle, at pulang XRM motorsiklo nang tambangan ng mga armadong rebelde malapit sa bahay ng isang Oto Anadon sa nasabing lugar.

Sa nasabing pananambang ay agad na nasawi ang apat na biktima na pawang natadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

“Until now, the bodies of the victims are still in the area.The communist terro-rist went to different direction at forested portion of the aforesaid place”, ayon pa sa inisyal na ulat.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng security forces sa mga sangkot sa pananambang.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with