^

Probinsiya

SK kagawad, alalay huli sa ‘damo’

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines –Sa kalaboso ang bagsak ng isang isang Kagawad ng Sangguniang Kabataan at alalay nitong barbero matapos matiklo sa buy-bust na ikinasa sa isang kilalang tourist spot na dinarayo ng mga debotong Katoliko tuwing Mahal na Araw sa Brgy. Ajat Iguig, Cagayan kamakalawa.

Sa report na ipinalabas ni Maj. Sharon Malillin, taga­pagsalita ng Cagayan Police Office; agad inaresto ng operatiba si Kagawad Marvin Salvador ng Barangay Nattanzan at Reymart Barboza, 27 matapos pagbentahan ng isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana ang pulis na tumayong buyer dakong alas-3:15 ng hapon sa Calvary Hills.

Sa pamosong tourist spot na Calvary Hills sa Cagayan ay makikita ang mga estatwa ng station of the cross ni Hesus na tuwing Semana Santa ay dinarayo ito ng mga tao bilang bahagi ng panata.

vuukle comment

SK KAGAWAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with