Kinilala ni CARAGA Police Director Police Brig. Gen. Gilbert Cruz, ang nasawing biktima na si Felixberto Loayan na dead-on-the-spot sa insidente dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang dalawa nitong kasama na sina Rene Sinangute at Frede Frediewabina; pawang enforcer ng LTO na nakabase sa Surigao City.
LTO team leader utas sa ambush!
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang team leader ng mga traffic enforcer ng Land Transportation Office (LTO) habang sugatan ang dalawa nitong kasamahan makaraang tambangan at pagbabarilin ng ‘di kilalang mga armadong kalalakihan sa Surigao City, Surigao del Norte nitong Miyerkules ng  umaga.

Kinilala ni CARAGA Police Director Police Brig. Gen. Gilbert Cruz,  ang nasawing biktima na si Felixberto Loayan na dead-on-the-spot sa insidente dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang dalawa nitong kasama na sina Rene Sinangute at Frede Frediewabina; pawang enforcer ng LTO na nakabase sa Surigao City.

Base sa ulat, naganap ang pananambang sa mga biktima sa kahabaan ng highway ng Brgy. Ipil  ng lungsod bandang alas-8:10 ng umaga. Sakay ng service vehicle ng LTO vehicle ng tatlo patungo sa Surigao City proper nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin. Nang makitang napuruhan si Loayan, mabilis na nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Inaalam pa kung may kinalaman sa kanilang trabaho ang pagpaslang sa mga biktima.

AMBUSH LAND TRANSPORTATION OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with