Rolly Faller
Pugante sa Cavite jail arestado
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

CAVITE  , Philippines  —  Matapos ang may mahigit isang linggong pagtatago, naaresto na ang isang pugante ng Cavite Provincial Jail sa liblib na lugar ng Silang.

Kinilala ni P/Major Resty Soriano na si Rolly Faller, ng Esperanza Ibaba, Alfonso, Cavite at may kasong frustrated homicide na nakasampa sa RTC Branch 18 sa Tagaytay City. 

Ayon kay Soriano, matapos silang makatanggap ng flash report hinggil sa pagkakapuga ni Faller sa Cavite Provincial Jail sa Trece Martirez, isinailalim sa red alert ang buong probinsiya. Nakatanggap umano ng tip ang Silang Police na namataan ang nasabing preso sa liblib na lugar ng Brgy. Santol kung kaya agad silang nagsagawa ng operasyon. Tinungo nila ang sinabing lugar kasama si Brgy. Captain Apolinar Acosta, ganap na alas-9 00 ng umaga at naaresto nila ang  suspek.

Matatandaan na nakapuga si Faller noong Hulyo 11 habang oras ng dalaw sa nasabing piitan at sumabay ito sa mga paglabas ng mga bumisita sa mga nakakulong.

FRUSTRATED HOMICIDE ROLLY FALLER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with