Kinilala ang mga suspek na magkakamag anak pa na sina Jayroll Labadores, Dionel Labadores, Alvin Labadores at Nathaniel Sier­ra, lahat ay residente ng Barangay Rizal, Makati City.
4 dayo timbog sa P1-M shabu
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Aabot sa P1 milyong halaga ng shabu ang nabawi mula sa dumayo pang apat na notoryus na tulak matapos na maaresto sa ginawang buy-bust operation ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at pulisya sa loob ng Iriga Sports Complex sa Brgy. San Nicolas, Iriga City, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na magkakamag anak pa na sina Jayroll Labadores, Dionel Labadores, Alvin Labadores at Nathaniel Sier­ra, lahat ay residente ng Barangay Rizal, Makati City.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga, makaraan ang ilang araw na surveillance operation ay inilatag ang buy-bust operation laban sa mga suspek.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin ng mga kasapi ng NBI, PNP at PDEA nang iabot nila ang biniling droga sa ahente ng PDEA na umaktong poseur buyer.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang malaking sachet na nasa 150 gramo at may market value na isang milyong piso.

ILLEGAL DRUGS SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with