Rizal police director sinibak
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

Sa pagkamatay ng 3-anyos sa drug war

MANILA, Philippines — Sinibak na sa puwesto si Rizal Provincial Director Police Colonel Lou Evangelista habang inilabas na rin ang resulta ng imbestigasyon sa kontrobersyal na pagkamatay ng isang 3-anyos na batang babae sa drug war sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal kamakailan.

 Ito ang nabatid kay Calabarzon Police Director Police Brig. Gen. Edward Carranza kung saan pansamantala namang ipinalit kay Evangelista si P/Col. Renato Alba bilang officer-in-charge ng Rizal Police.

 “He failed to exercise due diligence in supervising his men and the operation which is also composed of operatives from the Provincial Intelligence Branch,” anang opisyal.

 Sa buy-bust operation ng Drug Enforcement Team ng Rodriguez Police at Rizal Provincial Intelligence Branch noong Hunyo 29, 2019, magugunitang napatay ang drug pusher na si Renato Ulpina alyas Kato at Enrique Cawilig alyas Jr.  

Samantalang naging collateral damage sa sumablay na drug war ang anak na babae ni Ulpina na si Mica na nasawi rin sa insidente gayundin ang operatiba na si Sr. Master Sergeant Conrado Cabigao Jr.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with