Kinilala ang nasawi na si Arod Wahing, isang Sulu-based ASG sub-leader na kasamahan ni Abu Sayyaf Group Commander Radulan Sahiron.
File Photo
Berdugo ng Sayyaf utas sa shootout
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napaslang ng pinagsanib na elemento ng elite units ng militar at pulisya ang isang executioner o berdugong sub-leader ng mga te­roristang Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na kumasa sa isinagawang operasyon na nauwi sa shootout habang nadakip ang dalawa pang kasama sa Brgy. Parian Baunoh, Lantawan, Basilan  kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Arod Wahing, isang Sulu-based ASG sub-leader na kasamahan ni Abu Sayyaf Group Commander Radulan Sahiron.

Arestado naman sa ope­rasyon ang dalawang iba pa na sina Nasser Jumadil ng Jolo at Jerry Ahang na nakumpiskahan ng isang M1 garand cal. 30 rifle at isang MK2 fragmentation grenade.

Batay sa report ni AFP–Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, alas-3:25 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga elite troops ng Special Forces Battalion (SFB) ng Phl Army at 2nd Police Mobile Force Company (PMFC) sa bisinidad ng Brgy. Bauhoh, Lantawan.

Si Wahing ay may warrant of arrest sa kasong murder at sangkot ang grupo nito sa kidnapping-for-ransom at sa pamumugot ng ulo ng mga hostages na walang maibayad na ransom.

Nabatid na tinangka umano ni Wahing na bunutin ang kanyang cal. 45 pistol pero naging maagap ang elite team na agad nakipagpalitan ng putok sa nasabing berdugo na kanyang ikinabulagta habang nadakip ang dalawa pang suspek.

Narekober mula sa napatay na sub-leader ang natu­rang kalibre ng baril na may pitong bala.

Isinasailalim na sa tactical interrogation ng mga awtoridad ang dalawang  nasakote.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with