Kinilala ang nasawing biktima na si Adelaida Araneta Palero, isa sa mga pasahero ng bangkang lumubog.
Bangka lumubog: 1 patay, 14 nasagip
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa ang nasawi habang 14 pang katao ang masu­werteng nakaligtas makaraang aksidenteng lumubog ang sinasakyan nilang bangkang de-motor dahil sa bugso ng malalakas na pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA) sa Southern Leyte noong Lunes.

Kinilala ang nasawing biktima na si Adelaida Araneta Palero, isa sa mga pasahero ng bangkang lumubog.

Base sa inisyal na report ng mga disaster officials sa Southern Leyte, ang bangkang de-motor na may mar­king na “Ruel” ay lumubog sa bahagi ng karagatan ng Limasawa Island sa Southern Leyte. Nasagip ang 13 pasahero, isang tripulante at boat operator ng mga nagrespondeng pulis at Philippine Coast Guard kung saan agad silang dinala sa Rural Health Unit sa Limasawa Islands.

Gayunman, ini-report ng NDRRMC na ang isa sa mga nasagip na pasahero na si Palero ay binawian ng buhay pagdating sa center.

FISHING BOAT DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with