^

Probinsiya

NPA ‘persona non grata’ sa N. Cotabato

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO - Idineklarang “persona non grata” sa buong bayan ng President Roxas sa lalawigang ito ang grupong New People’s Army (NPA) kahapon.

Ayon kay Municipal Mayor Jonathan Mahimpit, ang kanilang isinagawang maiksing programa na may temang “Pagkakaisa ng Mamayan Susi sa Kaunlaran” ay idineklarang persona non grata ang NPA sa kanilang bayan. Sinunog din nila ang mga bandila ng CPP-NPA na nagpapakitang iwi­naksi nila ang ideyalismo ng kilusan. Layon umano nitong tuluyan nang makamit ng kada-barangay sa nasabing bayan ang tunay na kapayapaan.

Kasabay nito, mahigit sa 230 na mga dating miyembro ng NPA ang sumuko sa mga otoridad at kabilang sa kanilang isinuko ang iba’t ibang uri ng armas sa programa kahapon.

Siniguro naman ng pulisya at militar ang seguridad ng mga sumuko at pagtitiyak ng alkalde na magbibigyan sila ng livelihood projects.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with