Huli sa aktong tumatanggap ng pera mula sa hindi na pinangalanan na biktima ang suspek na si Robel Yap Canlas, 59-anyos, may asawa at residente ng Rodriguez, Rizal.
Pekeng pulis tiklo sa kotong
Mer Layson, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaki na umano’y nagpapanggap na pulis at nangingikil sa mga aplikante na nagnanais na maging miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang entrapment operation sa Rodriguez, Rizal, kahapon ng umaga.

Huli sa aktong tumatanggap ng pera mula sa hindi na pinangalanan na biktima ang suspek na si Robel Yap Canlas, 59-anyos, may asawa at residente ng Rodriguez, Rizal.

Si Canlas ay inaresto dahil sa reklamo ng isang babaeng aplikante ng PNP.

Sinabi ng biktima, nagpakilala ang suspek na SPO2 Gerome Canlas at pinangakuan siya na ipapasok sa PNP kahit na kulang sa height requirement kapalit ng P40,000.

Dahil napaniwala ni Canlas, nagbigay ang biktima ng hinihingi nitong halaga.

Gayunman, sa halip na ibigay sa aplikante ang height waiver, humi­ngi pa ang suspek ng P20,000 bilang bayad umano sa neuro at medical examinations. Ang pera ay ipinadaan ng biktima para sa suspek sa pamamagitan ng money transfer.

Kahapon ng umaga, muling humingi si Canlas ng P4,000 bilang processing fee at dito na humingi ng tulong sa PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group ang biktima kaya isina­gawa ang entrapment operation.

Nakuha sa bag ng suspek nang maaresto ang isang kalibre 45, isang magazine na may kargang bala, pekeng PNP ID at isang pekeng tsapa ng PNP.

FAKE POLICE PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with