^

Probinsiya

Multicab sumirko: 2 dedo, 3 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Patay ang dalawa katao habang tatlong iba pa ang sugatan makaraang mawalan ng kontrol at sumirko ang sinasak­yan nilang multicab nang magkaaberya at mawalan ito ng preno pagsapit sa national highway ng Brgy. Lebak sa Sultan Kudarat, Maguindanao kamakalawa ng tanghali.

Nakilala ang mga nasawi na sina Noralya Kadil, 45-anyos at Yasser Utto, pawang residente ng nasabing lalawigan habang sugatan at patuloy na isinasalba sa ospital ang dalawang batang sina Yasser Silabay, 6-anyos at Aisa Blah, 10, at maging ang 70-taong gulang na si Monera Blah, pawang ng Brgy. Katuli, Sultan Kudarat.

Sa report, pasado alas-12 ng tanghali habang pauwi na ang mga biktima lulan ng multicab nang mapansing pagewang-gewang ang kanilang takbo. Kasunod nito, bigla na lang bumaliktad nang makailang beses ang multicab dahilan upang maipit ang ilang mga pasahero at tumilapon naman ang iba sanhi ng pagkasawi ng dalawang biktima. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with