67-anyos pinabulagta habang nanonood ng TV
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Patay ang isang 67-anyos na lolo makaraang barilin ng hindi nakilalang suspek habang nanonood ng telebisyon sa bahay nito sa Barangay Tutuloy, bayan ng Cuyapo noong Linggo ng gabi.

Ayon sa Cuyapo Police, ang biktimang si Tranquilino dela Cruz, may-asawa, isang magsasaka ng nasabing lugar ay idineklarang dead-on-arrival sa Guimba District Hospital. 

Sa ulat, bandang alas-10:50 ng gabi habang nanonood ng palabas sa telebisyon ang biktima nang mula sa labas ng kanyang bahay ay sinilip ito ng hindi nakilalang suspek. Sa puntong iyon, bumunot ng baril ang suspek at ipinosisyon ito sa bintana ng bahay at doon ay pinaputukan ng isang beses ang biktima sa katawan na agad nitong ikinamatay. 

CRIME SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with