2 binistay ng bala habang naglalakad
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Dalawang katao kabilang ang isang kawani ng gobyerno ang nasawi matapos pagbabarilin habang naglalakad sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, kamakalawa  ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Aristotle Lappay, 32, residente ng District 2, Cauayan City at Manny Asprec, 42, ng Brgy. San Jose Norte Uno, Mallig, Isabela.

Sa ulat ng Isabela Police Provincial Office, si Lappay ay inasinta ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Brgy. Del Pillar, Cabatuan kasama ang isang kaibigan dakong alas-6:00 ng gabi.

Agad nasawi ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo. Samantala, si Asprec ay pinagbabaril din ng nakamotorsiklong mga suspek habang naglalakad sa kanilang barangay sa Mallig pasado alas-8:30 ng gabi. Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival. (Raymund Catindig)

SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with