Resto bar ni-raid: 4 bebot nasagip
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2019 - 12:00am

TALAVERA, Nueva Ecija  , Philippines  —  Nasagip ng pulisya ang apat na kabataang babae na isinadlak sa isang resto bar sa Brgy. Sampalok sa bayang ito, kahapon ng madaling-araw. 

Ayon kay P/Lt. Col. Alexei Desamito, hepe ng Talavera Police, batay sa reklamo ng mga residente sa naturang lugar, nagsagawa ang pulisya ng sorpresang anti-human trafficking operation sa Triple CA Resto Bar at dito ay nailigtas ang apat na babae kabilang ang isang 16-anyos.

Naaresto naman ang namamahala ng nasabing bar na si Marnitz Siobal, 26. Kasong paglabag sa Republic Act 9208 o anti-human trafficking ang kaso na kanyang kakaharapin.

Bandang alas-2:10 ng madaling-araw nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa nasabing establisimyento.

Narekober ng mga pulis ang halagang P1000 na ginamit sa transaksyon na pambayad sa sexual exploitation na naka-video para sa documenting nito sa korte.

ANTI-HUMAN TRAFFICKING RAID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with