‘Pusher’ todas sa buy-bust
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nasawi ang isang 35-anyos na umano’y drug pusher matapos na tangkaing makipagbarilan sa aarestong pulis sa inilatag na buy-bust operation sa Zone-2, Brgy. Sta.Justina, Pili, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ang napatay na suspek na si Frederick Canillo Orallo, residente ng Zone-2, Guevarra Street, Brgy. Sto. Domingo, Iriga City. Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali, magkatuwang na inilatag ng Iriga City Police at Buhi Police ang buy-bust operation laban sa suspek.

Gayunman, makaraang i-abot sa poseur buyer na pulis ang biniling droga ay pumalag ang suspek nang aktong aarestuhin na. Bumunot ng baril ang suspek mula sa belt bag at pinutukan ang papalapit na operatiba na agad nakapagtago at gumanti ng putok na ikinabulagta ng suspek.

Isinugod sa Buhi Rural Unit ang suspek pero namatay habang nilalapatan ng lunas. Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 baril, dalawang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

ILLEGAL DRUGS SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with