Kinilala ang mga biktima na sina Lea Gabo, 33-an­yos, anak nitong lalaki na si Florence, 4-taong gulang at ama ng ginang na si Florentino Lagrosa, 64-anyos.
Bangka lumubog: 3 miyembro ng pamilya patay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi makaraang malunod nang aksidenteng lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Dumaran, Palawan kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Lea Gabo, 33-an­yos, anak nitong lalaki na si Florence, 4-taong gulang at ama ng ginang na si Florentino Lagrosa, 64-anyos.

Sa ulat ng Mimaropa Police, naganap ang insidente sa karagatan ng Dumaran Channel sa Brgy. Sta Teresita, Dumaran bandang alas-12:30 ng hapon.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang binabaybay ng tatlo ang dagat lulan ng bangka nang balyahin ito ng malalaking alon hanggang sa lumubog. Nagawa namang makapangapit ng matanda sa nasirang bahagi ng bangka pero ang kanyang apo at anak ay tuluyang tinangay ng malakas na alon.

Dahil dito, tinangkang sagipin ng matanda ang anak at apo pero maging siya ay nilamon ng tubig.

Narekober ng search and rescue team ang bangkay ng tatlo matapos ang ilang oras na pagkawala at pagkalunod sa dagat.

DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with