‘Karnaper’ todas sa engkwentro
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Napatay matapos manlaban ang isang carnap suspect na nasa Police Drugs Watchlist matapos umanong mahu­ling nakasakay sa isang ninakaw na motorsiklo sa Brgy. Gen Balao, Solana, Cagayan noong Biyernes. 
Kinilala ng Pulisya ang napatay na si Joel Soriano ng Barangay Maddarulug ng nasabing bayan. 
Ayon sa report, si Soriano ay natukoy ni Crispin Morales sa dalawang lalaking umagaw sa kanyang sasakyan sa Brgy. Maguiring kaya agad na nagsagawa ng dragnet operation ang kapulisan na nauwi sa engkwentro dakong alas 9:40 ng gabi.
Isinugod si Soriano sa isang hospital subalit idineklara na itong patay habang nakatakas ang kasama nito dala ang motorsiklo dagdag ng report. 
Narekober kay Soriano ang baril nitong cal.38 rebolber na paltik at isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana. 

KARNAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with