Bigla na lamang umanong pinasok ng mga suspek ang biktima sa kanyang bahay at saka siya dinukot. Gayunman, nakahingi naman ng tulong sa mga miyembro ng Rizal Municipal Police Station si Oirada na kaagad nagresponde sa naturang lugar.
NPA todas sa bigong kidnapping
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2019 - 12:01am

MANILA, Philippines — Isang hinihinalang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang napatay habang isa pa ang nasugatan matapos na mabigo ang pagdukot sa isang barangay captain kamakalawa sa Rizal, Occidental Mindoro. Kinilala ang nasawi na si Edwin Firuchu habang sugatan naman si Joel Bonifacio. Sina Firuchu at Bonifacio ay tinangka umanong dukutin si Barangay Malawaan Captain Rolando Oirada. Dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang tangkang pagkidnap sa biktima sa Brgy Sto. Niño, Rizal ng naturang lalawigan. 

Bigla na lamang umanong pinasok ng mga suspek ang biktima sa kanyang bahay at saka siya dinukot. Gayunman, nakahingi naman ng tulong sa mga miyembro ng Rizal Municipal Police Station si Oirada na kaagad nagresponde sa naturang lugar.

Subalit hindi na umano inabutan ng mga otoridad ang mga suspek, nakapagsumbong naman si Barangay Kagawad Jarqin Briones sa mga pulis na nabuntutan niya ang mga suspek kaya kaagad nakapagresponde at natunton sila. Nang makorner ang mga suspek malapit sa palengke, agad silang pinaputukan ng dalawa kaya nagkaroon ng shootout at tinamaan si Firuchu na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

KIDNAPPING NEW PEOPLES ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with