_ngayon
^

Probinsiya

P1-M party drugs nasamsam, 8 huli

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
P1-M party drugs nasamsam, 8 huli
Kinilala ni PDEA Region III Director Gil Pabilona ang mga suspek na sina Bernice Fabiosa, 21; Ma. Isabel Lawas,19; Aileen Baldon, 23; Jamie Mendoza, 20; Jessa Scott, 19; Bernadeth Saavedra,19; Sean Moreno,42, at Gregorio Imperial, 26; mga residente ng Angeles City.

ANGELES CITY  , Philippines  —  Umaabot sa isang milyong pisong halaga ng party drugs ang nasamsam sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III at Angeles City Police sanhi ng pagka­kaaresto ng walo katao sa isang 4-star hotel sa Brgy. Malabanias sa lungsod, Sabado ng gabi.

Kinilala ni PDEA Region III Director Gil Pabilona ang mga suspek na sina Bernice Fabiosa, 21; Ma. Isabel Lawas,19; Aileen Baldon, 23; Jamie Mendoza, 20; Jessa Scott, 19; Bernadeth Saavedra,19; Sean Moreno,42, at Gregorio Imperial, 26; mga residente ng Angeles City.

Nasamsam sa mga suspek ang 310 tableta ng ecstasy, 5 pirasong Dimethyl Tripticase (DMT); isang screw cup plastic bottle na naglalaman ng 100 pirasong valium; 3 pakete ng hybrid marijuana, 0.75 gramo ng cocaine at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Pabilona, isang impormante ang nag-tip na laganap sa nasabing lugar ang pagbebenta ng party drugs kaya’t agad silang nagkasa ng buy-bust at isang PDEA agent ang nagpanggap na buyer ng droga.

PARTY DRUGS PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY REGION III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with