Kinilala ang nasawi na si Efren Pacheca Pagdato, 48-anyos, driver ng motorsiklo at miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team; ang angkas na si Conchita Buenaventura, 48-anyos, may asawa at batang si Ken Nathaniel Cabana Fuentes, habang ginagamot sa ospital ang 9-anyos na lalaki; pawang residente ng nasabing lugar.
3 patay sa ‘hit and run’
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines  —  Patay ang tatlo katao kabilang ang 3-anyos na bata habang isa pang menor-de-edad ang sugatan makaraang masalpok ng isang van ang kanilang sinasakyang motorsiklo at takbuhan sa Purok Centro, Brgy. New Rizal, Mlang ng lalawigang ito. Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Efren Pacheca Pagdato, 48-anyos, driver ng motorsiklo at miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team; ang angkas na si Conchita Buenaventura, 48-anyos, may asawa at batang si Ken Nathaniel Cabana Fuentes, habang ginagamot sa ospital ang 9-anyos na lalaki; pawang residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-7:00 ng gabi, sakay ang mga biktima sa isang XRM 125 na motorsiklo na minamaneho ni Pagdato patungo ng BagonTapay, Mlang at sumusunod sa kanila ang isang Grandia van sa kaparehong direksiyon.

Pagdating nila sa nasabing lugar ay nabundol nito ang motorsiklo sanhi upang tumilapon ang mga sakay nito.

Sa halip naman uma­no na tulungan ng drayber ng van ang mga biktima ay mabilis na humarurot at tumakas.

HIT AND RUN ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with