Ayon kay P/Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, nagsagawa ng sunud-sunod na buy-bust operations ang kagawad ng pulisya sa mga lungsod ng San Jose, Gapan at Cabanatuan na ikinasawi ng mga suspek na sina Elvis Encarnacion, Michael Pasumala at Joselito Gonzales, alyas “Dags”.
3 ‘pusher’ todas sa buy-bust
Christian Ryan Sta. Ana, Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines  —  Tatlong hinihinalang tulak ng droga at nasa drug watchlist ang napatay ng pulisya matapos umanong manlaban sa isinagawang buy-bust operations sa tatlong lungsod dito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay P/Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, nagsagawa ng sunud-sunod na buy-bust operations ang kagawad ng pulisya sa mga lungsod ng San Jose, Gapan at Cabanatuan na ikinasawi ng mga suspek na sina Elvis Encarnacion, Michael Pasumala at Joselito Gonzales, alyas “Dags”.

Ayon sa San Jose Police, alas-9:15 ng gabi noong Martes nang mapatay sa buy-bust si Gonzales na nabilhan ng isang plastic sachet ng shabu ng police poseur buyer. Alas-2:30 ng madaling-araw kahapon nang isagawa rin ng Cabanatuan Police ang buy-bust operation sa Don Encarnacion St., Brgy. Zulueta, Cabanatuan City laban sa suspek na si Pasumala na nakipagbarilan sanhi ng kanyang kamatayan.

Alas-3 ng madaling-araw naman nang mapatay sa shootout sa ginawang buy-bust ng pulis-Gapan sa Bgy. Balante, Gapan City laban sa dayong suspek na si Encarnacion.

BUY-BUST OPERATIONS DRUG WATCHLIST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with