Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, kasalukuyang nasa nasabing lugar ang tserman nang biglang sumulpot ang dalawang magkaangkas na lalaki na armado ng cal 45 pistol at binistay ng bala ang biktima.
Tserman itinumba ng tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Purok 1, Brgy. Tabuk, Isabela City, Basilan nitong Martes ng hapon. Kinilala ang nasawing biktima na si  Kamsain Nasirin, chairman ng Brgy. Bulan-Bulan, Lantawan ng nasabing bayan. 

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, kasalukuyang nasa nasabing lugar ang tserman nang biglang sumulpot ang dalawang magkaangkas na lalaki na armado ng cal 45 pistol at binistay ng bala ang biktima. 

Bago ito, nakitang umaaligid sa lugar ang mga suspek at nang makakuha ng tiyempo ay niratrat ang biktima.  Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

CRIME SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with