1 dedo, 9 nalambat sa drug ops
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines  —  Isang uma­no’y tulak ng droga ang napatay habang 9 pa ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation kahapon ng madaling araw at kamakalawa ng gabi sa siyudad ng San Jose del Monte at anim na bayan sa lalawigan.

Sa San Jose del Monte, napatay ng mga pulis si Ricardo Pacheco habang nakatakas ang kanyang kasama na si Alexander Masagnay, matapos na manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Gaya-Gaya dakong alas-11:50 kamakalawa ng gabi.

Naaresto naman ang 9 na umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa bayan ng Bocaue, Balagtas, Calumpit, Baliwag, Plaridel at Hagonoy. Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Provincial Director ang mga naaresto na sina Anronio dela Cruz, 48 anyos; Aljetrich Monsayac, 22 anyos; Domingo Leocadio, 50 anyos, may-asawa, driver; Nicanor Libiran, 42 anyos, may-asawa; Alinor Basab; Aprilyn Fabel, 37 anyos; Rolly Cruz, 34 anyos; Michael Cita, 30 at Ericka Caparas, 18 anyos.

Narekober sa mga suspek ang 23 plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

BUY-BUST OPERATION ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with