Konsehala, ka-live-in tiklo sa droga
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  —  Parehong kalaboso ang isang konsehala ng barangay at kanyang kinakasama matapos maaresto sa ginawang search warrant operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bicol sa kanilang bahay sa Purok-3, Brgy. 26, Dinagaan, ng lungsod kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Agnes Ingles, incumbent barangay kagawad at Ruben Mirabel, kapwa residente ng nasabing barangay. Sa ulat ni Cotton Yuzon, tagapagsalita ng PDEA, dakong alas-5:15 ng umaga, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte ay sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng mga suspek.

Hindi na umalma ang mga suspek nang nakuha sa kanila ang 12-sachet ng shabu nasa 10 gramo at nagkakahalaga ng P60,000 at mga drug paraphernalia.

CRIME ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with