^

Probinsiya

OFW dinedo ng selosong mister

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
OFW dinedo ng selosong mister
Sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, dead-on-the-spot ang biktimang si Daisy Villar, 39, isang domestic worker sa United Arab Emirates (UAE); samantalang sumuko naman sa pulisya makalipas ang dalawang oras na negosasyon ang suspek na si Anjo Villar, nasa hustong gulang; pawang residente sa naturang lugar.
File Photo

NORTH COTABATO, Philippines — Pinaniniwalaang matinding se­los ang dahilan upang ma­pa­tay ng isang mister ang kan­yang misis na overseas Filipino worker (OFW) makaraang magkaraoon ng pagtatalo naganap sa Brgy. Aurelio Freires Sr. sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat, Lunes ng hapon.

Sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, dead-on-the-spot ang biktimang si Daisy Villar, 39, isang domestic worker sa United Arab Emirates (UAE); samantalang sumuko naman sa pulisya makalipas ang dalawang oras na negosasyon ang suspek na si Anjo Villar, nasa hustong gulang; pawang residente sa naturang lugar.

Base sa report ni Police Major Randy Eliarde, hepe ng Lebak Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nabatid na kararating lamang ng nasabing misis galing sa UAE nang komprontahin ito ng selosong mister hinggil sa umano’y mayroon itong ibang lalaki matapos na makita ang isang Facebook post nito na mayroong kasamang lalaki sa isang larawan.

Ang usapan ay nauwi sa pagtatalo hanggang sa makakuha ng patalim ang la­laki at pagsasaksakin ang kanyang asawa na duguang napalupasay sa insidente.

Nahaharap na ngayon sa kasong parricide ang suspek. (Joy Cantos)

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with