^

Probinsiya

2 police auxillary tiklo sa pagbebenta ng droga sa mga preso

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 police auxillary tiklo sa pagbebenta ng droga sa mga preso
Himas-rehas at nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Joel Brabante at Erickson Llada, kapwa nasa hustong gulang at nakatalaga sa San Mateo MPS sa Brgy. Guitnang Bayan 1, ng naturang bayan.
File Photo

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang police auxillary ng San Mateo Municipal Police Station sa Rizal, matapos maaktuhang nagbebenta ng droga sa kanilang mga preso, kamakalawa ng gabi.

Himas-rehas at nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Joel Brabante at Erickson Llada, kapwa nasa hustong gulang at nakatalaga sa San Mateo MPS sa Brgy. Guitnang Bayan 1, ng naturang bayan.

Sa ulat, dakong alas-8:35 ng gabi nang arestuhin ang dalawa matapos maaktuhan ang pagbebenta nila ng shabu na ibinalot pa umano sa P20 bill sa isang inmate na si Crispin Cervera, na inaresto rin ng mga awtoridad.

Narekober ng mga otoridad mula sa mga suspek ang isang P500 bill na pinaniniwalaang drug money habang kumpiskado rin ang isang pakete na may lamang .9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,500.

vuukle comment

COP ARRESTED FOR DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with